Dibdibang usapan: Huwag balewalain ang chest pain
Isang Tawag na Maaaring Makaligtas ng Buhay: Bakit Hindi Dapat Balewalain ang Chest Pain
Dr. Erwin Damian V. Marcelo
8/15/20263 min read
Hello everyone! Hopefully you are doing well and better than previous days. As the saying goes, 1% better everyday makes us 3 times better after 1 year. Today, I will be writing my article in Tagalog so I can emphasize to my fellow Filipinos the current medical condition that my patient had experienced. Pardon for my English-speaking readers, because I need to emphasize this very important topic.
Mayroon akong isang senior citizen na pasyente sa clinic, stable naman siya at walang ibang simtomas at nararadaman na kapansanan kaya ang monitoring naming sa kanya ay twing 3 buwan, para malaman naming ang mga laboratory niya, at kung mayroon kaming mga kailangan na ayusin sa lifestyle niya. Noon isang araw, nagulat ako na mayroong biglang tumatawag sa aking cellphone, akala ko nga nung una telemarketer, kasi usong uso ngayon yun dito sa bansa natin, kaso hindi nakawarning ung phone na telemarketer ung tumatawag kaya sinagot ko ito. At dito ako nagulat, kasi yung isang pasyente ko, tumawag sa akin dahil nakakaramdam daw siya ng hirap sa paghinga at pananakit ng dibdib. Agad kong sinabi sa kanya na dumerecho sa emergency room kung saan ako kabilang, para mapasuri ko siya agad at mapa-ECG. Agad agad din akong tumakbo sa ospital para tignan siya sa emergency room. Pagdating ko doon, siya ay dumadaing na masakit ang dibdib at pagtingin ko sa ECG – dun ko Nakita na siya ay inaatake sa puso.
Palaging tandan – sa pananakit na dibdib, minsan ang pinakamahalagang desisyon ay hindi kung anong gamot ang iinumin – kung hindi kailan dapat humingi agad ng tulong.
Doc Damian, ano nga ba ang atake sa puso at paano ito malalaman, kung ang paninikip ng dibdib ay may kinalaman na pala sa puso or sa ibang parte ng katawan. Ang atake sa puso, o ang term na ginagamit naming mga healthcare worker ay Acute Coronary Syndrome. Ang ibig sabihin nito ay mayroon biglang pagkabawas or pagkaharang sa daloy ng dugo na pumupunta sa ating puso. Mayroon mga ibang kategorya pa ang Acute Coronary Syndrome, pero laging tatandaan na lahat ito at ngangangailangan ng agarang medical evaluation.
Hindi lahat ng chest pain ay heart attack – pero huwag natin itong hulaan. Kadalasan tayong mga Pilipino kapag nakakaramdam tayo ng pananakit, kahit sa ano mang parte ng katawan, palagi nating iniisip ung pinaka mababaw na dahilan – ito ay taliwas sa pag-iisip naming mga doktor; dahil kami, palagi naming iniisip ung pinakamalalang karamdaman, kasi yun yung kailangan natin agad na masolusyunan. Maraming Pilipino, kapag nakaramdam ng chest pain ang iniisip natin, “baka hangin or kabag lang”, “acid lang siguro ito”, “pagod lang”, “stress lang”, “muscle pain lang ito”. Totoo naman, sabi ko nga, hindi lahat ng chest pain ay atake na sa puso pero magandang masuri pa din natin ito.
Eh Doc Damian, “kung hindi lahat ng chest pain ay atake sa puso, ano ba ang pakiramdam ng chest pain na nanggagaling sa puso?” Alam ko yan ang iniisip mo kaibigan, pero maaring iba ang pakiramdam ng bawat pasyente na nakakaramdam ng chest pain na galing sa puso. May mga ilang pasyente na nagsasabi na “parang may nakadagan sa dibdib”. Karamihan naman ang description nila ay parang pinipiga or naninikip ang kanilang dibdib. May mga ilan din na pasyente na nagsasabi na yung sakit ng dibdib nila, tumatawid papunta sa kaliwa o kanang kamay at may iba din na pati panga nila sumasakit din. Basta tandaan – kapag ang pananakit ng dibdib ay bago, matindi, tuloy-tuloy, pabalik-balik o hindi nawawala; lalo na kung may kasamang hirap sa paghinga, malamig na pawis, panghihina, hilo, or pagsusuka – dapat ka na agad magpasuri sa doktor! Sa aking pasyente, may hingal na siya bago pa man lumitaw ang chest pain. Kaya mahalagang huwag balewalain ang pagbabago sa ating katawan, lalo na kung bago o hindi maipaliwanag ang simtomas.
Huwag hintayin na mawala mag-isa ang pananakit ng dibdib. Kung nakakaranas ng bigla or hindi nawawalang pananakit o paninikip ng dibdib, lalo na kung may hirap sa paghinga, malamig na pawis, pagkahilo o panghihina – humingi agad ng medical assistance o kaya naman pumunta sa pinakamalapit na emergency department. Tulad nung sa pasyente ko, buti tumawag siya agad, nainform ko agad ang ER ng ospital kaya nagawa ung test sa kanya at nadaanan ko agad siya sa emergency room, ngayon makakauwi na siya sa wakas at wala na ang kanyang chest pain, at nagrerecover na siya sa atake sa puso. Kung mayroon man kayong simtomas na ganito, maari din ninyong tawagan ang inyong primary physician, lalo na kung alam ninyo ang kanyang number or ang kanyang contact upong makahingi ng tulong at gabay – ngunit kontakin lamang sila kapag totoong emergency at may kakaiba na sa inyong pakiramdam.
Mabuti na lamang at hindi binalewala ng aking pasyente ang kanyang nararamdaman. Nang nagkaroon siya ng chest pain, agad siyang tumawag sa akin at napagdesisyunan na dumerecho ng emergency room.
Sa heart attack, mahalaga ang oras. Habang tumatagal ang bara at kulang ang supply ng dugo at oxygen mo sa puso – mas maraming heart muscle ang namamatay at napipinsala.
Tandaan, kapag may kakaibang simtomas, palaging magpakonsulta sa Mabait at Malapit ninyong internal medicine doctor – at yun ako, si Doc Damian!
Contact
Caring for your better health!
docdamianmarcelo@gmail.com
©Doc Damian 2026. All rights reserved.
